Dear Kapuso

Dear Kapuso,

Simula ngayon, hindi na tayo mananahimik. Sabi nga sa campaign ng ating mahal na channel, "Proud to be Kapuso." Pero paano tayo magiging proud sa mga panahong ganito na tila nawalan na ng ningning ang ating GMA Network.

Nung lumalaki pa tayo, nasaksihan natin ang paglipad ng GMA. Nagsimula ito nung nakaisip silang buhayin ang imahinasyon natin patungkol sa mga agila. Ang MULAWIN ang pinakaunang fantaserye ng GMA Network na nagpalipad ng todo sa ratings ng network at napalunod ang sirenang si MARINA.

Mas lalong ginanahan ang mga tao sa likod ng telebisyon at nakaisip na buhayin ang alamat ng mga engkanto. Ang ENCANTADIA ang dahilan kung bakit marami sa Kapamilya that time ay sinimulang manood sa ayaw na ayaw nilang channel. Ang binuhos na sikap at pagod ng team ang nagdulot ng ibang klaseng excellence na nagbunga ng magandang resulta.

Nung lumipad si DARNA sa unang pagkakataon sa telebisyon, mas lalong umariba ang GMA. Pero hanggang dun nalang.

Pagkatapos nilang makita na sumikat ang mga fantaserye, masyado silang naging kampante at puro fantaserye nalang ang ginawa nila. Nagkulang sa innovation at nagsawa ang mga tao. Naging common ang fantaserye. Kaya nung naglabas sila ng Mexican remake na LA LOLA, gumanda ulit ang imahe ng GMA at may mga Kapamilya na naman na lumipat.

Ang MARIMAR ang nagbalik ng matataas na ratings sa GMA. Dito nahanap ng GMA ang muling magbabangon sa pangalan nila-- si Marian Rivera. Ganun na yata ang pattern sa network. May persona dapat every season. Nauna si Richard Gutierrez. Tapos si Angel Locsin. Tapos si Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Natapos na ang season ni Richard, ni Angel, at tapos na rin ang season ni Marian (nothing against her... respeto lang talaga sa season ng buhay nya ngayon bilang asawa at ina).

Kailangan ng bagong persona. Pero baka din kasi dyan nagmumula ang problema. Masyado silang MA-PERSONA ang strategy. Di gaya ng ABS-CBN na sa isang season maraming napapasikat.

Mga Kapuso, sinabi ko yung mga yun to point out na GMA Network had its glory days. Pero obviously etong season na to, walang kislap ang ating mahal na channel. Kaya minabuti kong magsimula ng blog na to.

BLOG NATIN TO!

Kaya binubuksan ko ang blog na ito para sa lahat ng Kapuso na gustong isulat ang mensahe nila sa GMA Network at lahat ng departments nito-- GMA News, GMA Artist Center, GMA Records, GMA Films, GMA Worldwide, GMA Drama.

Kung gusto nyong magcontribute, magrerelease po ako ng guidelines soon. Pero habang wala pa, pwede nyong basahin ang mga tweets ko sa @dearKapuso at iLike ang FB page na Dear Kapuso. Basahin ang mga nasulat na blog na dito para makita kung papaano pwedeng isulat ang blog.

Pwede niyong isend sa FB inbox ng Dear Kapuso ang inyong blog o letter to GMA Network or para sa mga fellow Kapuso.

Ok lang na kahit iniisip natin na baka naman hindi mabasa ng kinauukulan. Basta, sulat lang tayo ng sulat, Kapuso!


Ang inyong Kapuso,

Fellow Kapuso Fan

0 Comments:

Post a Comment