Gusto lang namin ipaalam sa inyo in case hindi nyo pa napapansin masyado na nakagawa na kayo ng BIG STAR through StarStruck in the name of JENNYLYN MERCADO. Pero huwag kayong pakampante dahil circumstancial ang pagkakasikat nya ng todo ngayon at hindi nyo entirely kagagawan. Not all credit is due to you. Tawagin nalang nating DESTINY.
She started with StarStruck and hindi aksidente na sya ang unang StarStruck female ultimate survivor. Bago sya mabuntis, so-so lang ang kanyang career. Hindi masyadong sumikat ang mga pelikulang pinagbidahan niya. Hindi masyadong pinakinggan ang kanyang musika. Matamlay ang pagkabuild up nyo sa kanya.
Nung syay nabuntis, tila eto ang naging daan para syay simulan mahalin lalo ng marami. Mas lalo syang sumikat nung nagpaseksi sya after nyang isinilang si Jazz.
Naging sila ni Dennis Trillo. Pinag-usapan ang kanilang hiwalayan. People may have fallen in love with her being the woman searching for love but always ended up broken.
Naging sila ni Luis Manzano which made some Kapamilya fans begin to like her as well. Lumawak ang mileage ni Jen dahil na rin kay Luis and Ate V. Ngunit di rin sila nagtagal.
This even made people follow her life as they witnessed her na bumangon sa pagka low sa buhay. She managed to get back on her feet. Nagka movie project with Derek Ramsay. Bago pa lumabas ang movie, buti nalang nirepackage din sya ng GMA at ginawang isa sa mga IMPORTANT stars ng network. They gave her RHODORA X and SECOND CHANCES which proved na she can carry a show as a lead star this time.
Nung lumabas ang ENGLISH ONLY PLEASE na hindi GMA FILMS, sumikat sya lalo bilang karakter na dramatic at comic. Tumatak sa publiko.
Kung papansinin nyo, isa sya sa pinakamaraming followers sa Instagram and Twitter among the few highly-followed Kapuso stars. Emphasis on few.
Big star na talaga si Jennylyn Mercado. And if only GMA Network can treat her more like one, si Jen ang isa sa magiging banner-bearer ng network. Sana lang gawan din sya ng MAGANDANG material ng GMA Films kapares ang malalaking leading man din. At sana mas i-boost ng GMA Records ang mga album niya sa promotion at hype.
GMA Network, si Jennylyn Mercado ang isa sa mga BIG STARS niyo ngayon movie-wise, TV-wise, Social-media-wise, and commercial-wise. Sana mas bigyan nyo sya ng pagpapahalaga!
Ang inyong Kapuso,
Fellow Kapuso Fan
0 Comments:
Post a Comment